Munting Ulap ng Pangarap

“Taya!” sigaw ni Ambet sa kalarong hingal na hingal sa kakatakbo.

Maulap at mahangin ang panahon noong araw na iyon kaya ganun na lamang kaliksi ang mga bata sa paglalaro sa malawak na bukirin.

“Sandali lang! Taympers muna, pagod nako eh” sagot ng natayang si Paeng na humiga na sa damuhan.

Lumapit na ang iba pa nilang kalaro—sina Jun at Kaloy—at nagsihiga narin sa malambot na damo habang pinapawi ang hingal sa paglanghap ng malinis at preskong hangin.

Matalik na magkakaibigan ang apat na batang tuwang tuwa sa paglalaro. Si Ambet ay panganay na anak ng mag-asawang magsasaka. Bunso naman sa limang magkakapatid si Paeng. Tulad ng mga magulang ni Ambet, pagsasaka din ang ikinabubuhay ng mga magulang ni Paeng. Si Jun at Kaloy naman ay magpinsan. Nagtitinda sa bayan ang mga nanay  nila samantalang kapwa nagsasaka naman ang kanilang mga ama.

“Uy tignan niyo yung ulam oh!” sigaw ni Paeng sabay turo sa langit.

“Anong ulam? Baka ulap!” sagot naman ni Kaloy sa kaibigan.

“Ulam nga! Ayun oh parang fried chicken yung ulap” paliwanag ni Paeng.

“Ay oo nga noh! Galing mo Paeng aah” natatawang sabi ni Ambet.

“Ayun ayun pa oh! Para namang ice cream yung isa oh!” sigaw uli ni Paeng habang tumuturo naman sa ibang ulap.

“Hindi yan ice cream Paeng!” sagot naman ni Jun sa kaibigan “Mais kaya yan”

Nagpatuloy sa pag-uusap ang mga magkakaibigan tungkol sa mga hugis ng mga ulap na umaaliw sa kanilang mga musmos na pag-iisip.

“Tignan nyo yun oh parang pera!” sigaw naman ni Ambet at sabay turo sa ulap na hugis bilog “Kailan kaya tayo magkakapera? Yayaman kaya tayo?”

Napunta ang atensyon ng mga bata sa ulap at napaisip ng malalim ang bawat isa.

“Matagal payun Ambet! Bata pa kaya tayo, ni hindi ka panga tuli eh!” sagot ni Jun kay Ambet na seryosong nakatingin sa ulap na hugis barya.

“Basta ako kapag nagkapera ako bibilhin ko lahat ng gusto ko!” sambit ni Ambet na parang mas kinakausap ang sarili.

“Ako bibili ako ng maraming maraming laruan!” nakangising sagot ni Kaloy.

“Laruan? Di mo naman makakain yun eh!” sagot ni Jun na di sang-ayon sa ideya ng pinsan. “Ako bibili ako ng maraming pagkain! Fried chicken, tas spaghetti, tas fried chicken uli!”

Tahimik naman si Paeng habang masayang nangangarap ang kanyang mga kaibigan. Tahimik na nakatulala sa langit at iniisip kung anong nais niyang gawin sakaling yumaman.

“Ako ibibili ko si Itay ng kalabaw” sagot ni Paeng sa mga kaibigan sabay bangon sa damuhan. “Geym! Taya ka Kaloy”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s